Masayang Malungkot...
Ikinagagalak ko na kahapon (August 5, 2022) ay nasimulan na ang proseso ng YouTube Partner Program. Sana matanggap ako sa programa para pagkakitaan ko naman ang YT channel ko. Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagtaas ng number of subscribers ko (1691 as of press time kumbaga) at masaya ako sa nangyayaring ito. Sana lang, magpatuloy ito kahit pa sa mga araw na darating na wala na ang Maid in Malacanang fever.
Ang ikinalulungkot ko lang ng bahagya, topic based pa rin ang pagtangkilik sa Kuya Rodd Mema Talks videos at hindi dahil sa gusto nila ako as the host and creator of my channel. Siguro dahil bago pa lang ako sa YouTube pero hindi ko minsan maiwasan na bakit naman iyong iba ay bagong-bago lang na nasa YT pero sinusundan na kaagad ng legions of followers (and take note, nonsense na minsan ang contents nila pero marami pa ring nakaabang sa kanila).
Hangga't maaari, ginagawa kong objective ang contents ko kahit makikitang bumabanat na ako ngayon. Kung gumawa siguro ako ng channel way back 20 years ago (itinayo ang YT noong 2005 so malabo yun), ang content ko siguro ay sobrang provocative at mapanuya. Bumait na siguro ako, ganun.
Honestly speaking, ayoko mang isipin sa ngayon pero naiinggit ako sa mga YouTubers na large na ang following. Hindi ko maiwasan na maikumpara ang contents ko sa contents ng iba. Napapatanong ako kung saan ako nagkulang. Graphics ba o animation? Sounds ba? Lighting ba? Siguro equipment. Naaawa tuloy ako sa sarili ko, sobrang awa. Nagpapakatatag lang ako kasi wala namang tutulong sa akin. Maswerte yung ibang content creators na pinapansin ng mga personalities involved sa contents nila.
Ipinagpapasalamat ko na lang lumaki na ang subscribers ko, tumaas na ang watch time ko, at may chance na akong ma-monetize. Pero malungkot ako talaga!


Comments
Post a Comment